Posted on November 18, 2008 06:53 PM | 0 scratched
anak ng..
kalokohan
may natutunan na naman ako. paano ba nagiging mabait ang isang tao sa paningin ng iba?
ganito.. spotlight.
huwag kang pahuli. kasi pag nahuli, lagot. kaya nga ang daming gumagawa ng kalokohan patago.
at nasa bandang huli ang pagsisisi (daw). kaya lagi kong naaalala ang isang part ng kanta..
"you're only sorry when you got caught".
Posted on November 2, 2008 09:43 AM | 0 scratched
Cube PARTies - Revisited
Nabunutan na ako ng tinik. Nalaman ko na ang dapat malaman. Masakit pero hindi na tulad dati. At least, alam ko na.. kung bakit alanganin ang sagot nya. Salamat sa kaopisina ko at dahil sa advice niya, nalaman kong, may boyfriend na pala yung type kong babae.. better luck next time!
Posted on October 31, 2008 12:14 PM | 1 scratched
My Berk's BP
September 10.
Nag-text sa akin yung barkada ko. Itago na lang natin sa pangalang "Jene". Birthday ng isa ko pang barkada nun. Itago naman natin yung celebrator sa pangalang "RJ". May pa-party siya sa September 13 sa Casa Bancaso.
Sa totoo lang, wala akong idea na birthday niya nun kaya nag-text si Jene na batiin. Siyempre, binati ko.. ahh.. via text.
Bago dumating ang September 13, nag-text si Jene na kung sasabay, mag-text lang.
Ako, isa akong ulupong. Hindi ako nag-text. Magulo utak ko nun eh. Pero pumunta pa rin ako.
September 13.
Nag-text ako kay Jene. Late na kasi ako. Alas-kwatro ang meeting pero ALAS-KWATRO, paalis pa lang ako. Kamusta naman ang pagiging punctual ko. At isa pa, hindi ko pa din kabisado ang Delta (kahit ilang beses na kaming dumadaan dati dun tuwing may gimik, hindi ko pa rin memoryado).
Kaya, nag-text ako na susunod na lang ako sa SM Fairview. After 6PM pa sina Jene makakarating dun.
7:30PM.
Halos 3 hours and 30 minutes, for the record, ang nilakbay ko papuntang SM Fairview galing Imus, Cavite. Oh san ka pa? Parang kanto lang ng kalsada ang pupuntahan ko.
Syempre, on-time na naman ako. Ilang minuto pa, nagkita-kita na kami.
Ang tanong ko ngayon: nasaan ang Casa Bancaso sa QC? Bagong restobar ba yun? May sikat na bands ba na tumutugtog dun? Ganun ang mindset ko nung mga oras na yun.
Buti na lang, kalahating tanga lang ako. Tinanong ko san pupunta? Napag-alaman ko, apelyido pala yun ng isa pa naming barkada.
Hehe! *toinks*
Dumating na kami dun sa Casa Bancaso. May mga ilang barkada na ang naroon.
So ilan kami?
9 boys + 5 girls + 1 boy-girl = It's party time!
Bago ang lahat, muntik ko nang di mamukhaan sa tagal na naming di nagkikita ni RJ.
Isa na siyang papa long hair. Hanggang balikat ang haba ng buhok. Astig!
Pagkain. Eto ang matindi. Luto nila RJ ito at yung manager ng Casa Bancaso (hehe!). Ang theme: sili. Lahat yata ng nakahanda, may sili. Pinamasarap (pero hindi ko tinikman) ang lumpiang siling berde. Ayokong kumain nun baka masarapan (baka pati tumbong ko, magsimula ng apoy).
Syempre, bago kumain.. kinantahan muna namin siya ng happy bertdey. Pagkatapos nun, nag-blow na siya ng candle. Sa cake, para mavisualize nyo, hindi Happy Birthday ang nakalagay.. kakaiba. Maski ako, napatanong kung ano yun: In Vino Veritas.
*Sandaling katahimikan*
Ayan na! Kainan. Kwentuhan ng buhay-buhay. Make-up, make-up at piktyuran.
Ten-te-ne-nen.. inuman!
Round 1.
Natapos ang unang round ng inuman bandang alas-12MN yata. Dito, kailangan na nang umuwi ng girls.
Siyempre, ang mga lalake, hindi pa tapos. Meron pa!
Round 2.
Hindi ko na maaalala yung long neck na yun. Basta hindi siya yung common na iniinom namin (flashing back the old college days) na Gran Ma, Empee, at iba pang mga kamag-anak nun.
Round 3.
Alas 4AM na yata nun. Estimate na lang. Nagmumog na kami ng pulang machong kabayo.
Round 4.
Alas 5AM na yata. Isa pang mumog. Dito, sabi ng utak ko, ayaw ko na. Haha! Pero bibig ko, inaaya pa rin nila. Konti na lang kasi. Ilang gusto-ayaw moments bago ako muling kumampay.
Round 5.
Wala na. Sumikat na ang araw. Bago mag-uwian, siyempre, nagpasalamat kami sa may kaarawan. Time check: 6:30AM ng September 11.
At dito nagtatapos ang kwento ko.
(At isa pa, muntik na naman akong.. ehem.. dun sa isa.. na sana hanggang dun na lang.. at hindi na umabot sa.. alam mo na.. maaaring ako'y.. kaya dun na lang.. gets ba yung.. alam nyo na yun. Hehe!)
***Hindi pinag-uusapan kung malayo o malapit ka lang..Ang punto, ang kaarawan niya'y ipinagdiwang.. Kita ang saya sa ating mga mata.. Nang kasama ang isa't isa.. wala nang paliwanagan.***
Posted on September 19, 2008 01:21 PM | 2 scratched
Health Problem
Di ako nakapasok ng opisina dahil masama pakiramdam ko. Sa ayaw ko o sa gusto, masisisi ko ba sarili ko kung bakit ako madalas mag-OT sa work, etc?
OO. Dapat sisihin ang sarili ko dahil hindi ko na iniisip ang kalusugan ko. Madalas work ang iniisip ko - kung paano ko matatapos lahat - paano kasi, kung hindi naman ako magwo-work, paano ako kikita? Paano ka mabubuhay, eh, yun lang ang daan para magkapera - para makabili ng mga pangangailangan tulad ng pagkain, pambayad sa kuryente't tubig at kung anu-ano pang gastusin para mabuhay ako nang matino.
Kanina, sinuko na ako ng sarili ko nung gumising na ako para pumasok. Sinabi ko na sa kasamahan ko sa trabaho kanina na hindi ako makakapasok.
Akala ko, hindi na nga ako makakabangon kanina sa higaan.
Humingi ako sa ate ko ng paracetamol para maibsan ang karamdaman.
Sa awa naman, hindi na lumala ang lagay ko simula ngayong gabi. Sana magtuloy-tuloy na.
Posted on September 5, 2008 06:57 PM | 1 scratched